City of Meycauayan Bulacan
PUBLIC ADVISORY

The Citys → Archived → Public Advisory → WINDOW HOURS SA PAMAMALENGKE, TANGGAL NA SA MEYCAUAYAN PERO TULOY ANG ODD-EVEN SCHEME SA ARAW NG PAMIMILI

June 07, 2020

WINDOW HOURS SA PAMAMALENGKE, TANGGAL NA SA MEYCAUAYAN PERO TULOY ANG ODD-EVEN SCHEME SA ARAW NG PAMIMILI
Date: April 19, 2020
WINDOW HOURS SA PAMAMALENGKE, TANGGAL NA SA MEYCAUAYAN PERO TULOY ANG ODD-EVEN SCHEME SA ARAW NG PAMIMILI

Simula bukas, 5:00 n.u. hanggang 4:00 n.h. na ang oras ng pamamalengke sa buong lungsod bagamat susundan pa rin ang iskema ng odd-even number sa quarantine pass. Sa pagbaba ng DILG ng kanilang advisory sa pagtatanggal ng window hours sa pamamalengke kahapon, Abril 18, 2020, nagkaroon ng malinaw na direktiba na ipapatupad sa buong lungsod.

Sa ngayon, ang mga may quarantine pass/ID na nagtatapos sa numerong 1, 3, 5, 7, at 9 ay tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes mamamalengke. Samantalang ang mga nagtatapos sa numero 0, 2, 4, 6, 8 ay tuwing Martes, Huwebes, at Sabado mamamalengke. Sarado ang palengke sa araw ng Linggo.

Bawal lumabas nang walang face mask at mahigpit na ipatutupad pa rin ang physical o social distancing kung saan may isang metrong pagitan sa mga tao para makaiwas sa hawaan sa Covid 19.
click here to view attachment.