City of Meycauayan Bulacan
PUBLIC ADVISORY

The Citys → Archived → Public Advisory → LIQUOR BAN SA MEYCAUAYAN HABANG NAKAPALOOB SA ECQ

June 07, 2020

LIQUOR BAN SA MEYCAUAYAN HABANG NAKAPALOOB SA ECQ
Date: May 16, 2020
LIQUOR BAN SA MEYCAUAYAN HABANG NAKAPALOOB SA ECQ

Ipinagbabawal na ang pagbebenta at pamimili ng anumang uri ng liquor, alcoholic beverage at iba pang nakalalasing na inumin sa lungsod ng Meycauayan habang nakapaloob ito sa Enhanced Community Quarantine o ECQ, ayon sa E.O. 014 na nilagdaan ni Mayor Linabelle Villarica nitong Martes, Abil 14, 2020.

Napag-alaman na sa gitna ng epidemya ng Covid 19, patuloy pa din na nag-uumpukan ang ilan para mag-inuman o tumagay. Bukod sa kawalan ng social distancing ng mga nag-iinuman, nakakaabala din ito sa mga naka-quarantine sa kanilang mga tahanan.

Ganap ang liquor ban sa lahat ng mga nasasakupan, anumang idad at tirahan, at maging mga establisimyento, sa loob ng Meycauayan. Bawal magtinda, maghanda, hatid o deliber, at bumili ng anumang liquor o alcoholic beverage. Kaya pinag-uutos nang tanggalin ng mga business establishments ang anumang nakalalasing na inumin sa kanilang mga iskaparate para ilayo sa pananaw ng publiko.
click here to view attachment.