City of Meycauayan Bulacan
PUBLIC ADVISORY

The Citys → Archived → Public Advisory → KAUTUSAN NA: PAGSUSUOT NG FACE MASK AT PHYSICAL DISTANCING SA MEYCAUAYAN

September 22, 2020

KAUTUSAN NA: PAGSUSUOT NG FACE MASK AT PHYSICAL DISTANCING SA MEYCAUAYAN
Date: April 15, 2020
KAUTUSAN NA: PAGSUSUOT NG FACE MASK AT PHYSICAL DISTANCING SA MEYCAUAYAN

Ipinag-utos na ni Mayor Linabelle Villarica, sa Executive Order 015, ang pagsusuot ng face mask, sa lahat ng pagkakataon lalo na tuwing lalabas ng sariling pamamahay ang mga residente ng Meycauayan at tutungo sa mga pampublikong lugar kung saan istrikto ding ipatutupad ang physical o social distancing o paglalalagay ng distansiya o agwat na hindi kukulang sa isang metro sa pagitan ng mga tao bilang pag-iingat sa Covid 19.

Ang face mask ay maaaring maging surgical o medical, home-made o commercially sold, do-it-yourself face shield, reusable o washable, yari sa panyo, bandana, o anupamang proteksyon sa mukha para maiwasan ang pagkakahawa sa mga posibleng carrier na ng sakit.

Ayon din sa E.O. 015 na nilagdaan kahapon, Abril 14, 2020, lahat ng pampubliko at pribadong establisimyento sa Meycauayan ay maglalagay ng karatula o signage na “Striktong Ipinapatupad ang Pagsuot ng Face Mask at Physical Distancing Dito.”

Titiyakin ng mga Punong Barangay, mga Barangay Tanod, Business Permit & Licensing Office (BPLO) at Meycauayan PNP ang epektibong pagsunod sa kautusan ng lungsod.
click here to view attachment.