City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MGA FIL-CHI LOVE & CARE FOUNDATION, INC., BUMISITA!

November 18, 2018

MGA FIL-CHI LOVE & CARE FOUNDATION, INC., BUMISITA!
Date: July 12, 2018
Bumisita at nagbigay ng coutesy call ang ilang mahahalagang panauhin at estudyante mula sa Taiwan na bahagi ng LOVE & CARE FOUNDATION, INC. kay City Mayor HENRY R. VILLARICA noong Hulyo 12, 2018 sa City Mayor’s Office ng City of Meycauayan, Bulacan kung saan mainit silang tinanggap ng City Government of Meycauayan

Ang nasabing foundation na grupo ng mga Filipino-Chinese ay labis na naniniwala sa talento at kakayahan ng mga Pilipino at dito umiikot ang kanilang mga mga adhikain sa samahan. Upang mas lumalim pa ang kaalaman ng mga kapatid nating Tsino mula Taiwan ay nagpunta sa iba’t-ibang departamento ng City Hall ang mga bisita na binubuo nina Director Dr. Jeffrey Cheng Yu TECO (Liason Division); Mr. Chiang Fu Long (President, Taiwan Association); Mr. Billy Huang; Ms. Bella Huang at Ms. Huang Ching Chin at mga representatibong propesor at estudyante. Gayundin ay malugod na nakipag-kwentuhan ang Punong Lungsod Villarica sa kanila ukol sa kanilang mga programa at proyekto.