City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → 30 MEYCAUEÑO MAY HAIRCUTTING TRAINING DULOT NG BOLUNTIRISMO

June 07, 2020

30 MEYCAUEÑO MAY HAIRCUTTING TRAINING DULOT NG BOLUNTIRISMO
Date: January 31, 2020
Masiglang naipatupad at nakapagpatapos ng libreng pagsasanay na “Basic Haircutting for Men & Women” sa pakikipag-ugnayan sa City of Meycauayan Public Employment Services Office at Rotary Club of Meycauayan Gold, sa pangunguna ni President Erlind Moll, ang Team Sir George Salon (TSGS) Meycauayan, sa pamumuno ng President at CEO G. Larry Asistin, na dinaluhan ng 30 katao kahapon, Enero 29,2020 sa City of Meycauayan Convention Center. Ikinalugod ng mahal na Punong Lungsod Linabelle Ruth R. Villarica ang kooperasyong naganap dahil ehemplo ito ng kahalagahan ng people’s participation sa local governance. Kaniyang ibinahagi na nagpalaganap din siya ng mga ganitong pagsasanay noon, bago siya namuno ng LGU, kung saan ang eksperto ng isang business establishment ay nakipag-ugnayan sa isang volunteer service group para makapagdulot ng kaalamang-pangkabuhayan sa mas nakararami. Sa pagkakataong ito, tatlo sa mga nagsanay (Josephine Diaz, Noemi Celon, at Annabel Belleza) ay nakitaan ng potensyal ng TSGS at inanyayahan na magtrabaho sa kanilang salon at umuwing may basic haircutting kits ang bawat nagsipagtapos. Ipinahayag ni Mr. Larry Asistin, Pangulo at CEO ng TSGS at nina Anthony and Liza Sison ng TSGS Meycauayan na magsasagawa na sila ng ganitong mga training tuwing makalawang buwan sa Meycauayan. Ang TSGS ay may mga spa, beauty salon, at barber shop sa kalakhang Maynila at mga karatig na probinsiya.

#maymagandangbuhaysameycauayan