City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MAYOR LV NAGHANDOG NG HI-ACE VAN SA PCCM

June 07, 2020

MAYOR LV NAGHANDOG NG HI-ACE VAN SA PCCM
Date: January 31, 2020
Masayang sinalubong ng pamunuan, academic at non-academic personnel ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) ang kanilang Chairman of the Board-of-Trustees (BoT) at City Mayor LINABELLE RUTH R. VILLARICA sa kaniyang pagsasalin sa pamamahala ng isang Hi-Ace Van nitong Enero 27, 2020 sa PCCM School Grounds sa Brgy. Malhacan.

Pingangunahan ni (OIC) College Administrator at City Councilor Catherine C. Abacan ang simpleng seremonya at pasasalamat kay Mayor LV para sa sasakyan na inaasahang magpapabilis sa masinop na submission ng mga dokumento sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng CHED Region/Main office, UNIFAST, DFA, PRC, TESDA, atbp. Magagamit din ito sa kanilang representation sa mga seminars, conferences at iba pang off-campus activities at official business ng PCCM.