City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → INSURANCE NG TANOD, NATANGGAP AGAD!

August 06, 2020

INSURANCE NG TANOD, NATANGGAP AGAD!
Date: February 06, 2020
Natanggap agad ni Ms. Lucita Camacam ang P5 libong insurance ng kanyang namayapang kapatid na si Barangay Tanod Cayetano Acedillo, Jr. (65 taong gulang) ng Brgy. Perez. Matapos maibigay ang mga kinakailangang dokumento ay natuwa si Ms. Camacam dahilan sa mabilis niyang natanggap ang insurance at personal pa itong iniabot ni City Mayor Linabelle Ruth Villarica ngayong Enero 6, 2020 sa Tanggapan ng Meycauayan LGU. Matatandaan na noong Disyembre 13, 2019 ay siniguro ni Mayor LV na may matanggap na insurance cards ang bawat barangay tanod ng Lungsod ng Meycauayan para na rin sa kanilang proteksyon.

Ayon pa kay Ms. Camacam ay “ Baliktad nga po dahil sila pa ang nagpapaalala sa akin na kuhanin ko na ang insurance at ngayon na natanggap ko na, si Mayor LV pa ang personal na nag-abot sa akin nito.”

Kasama din sa pagbisita sina UCPB Sales Associate Ms. Leslie Rubio at Brgy. Perez VAWC Agnes Lanoza.