City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → 3RD BATCH NG RENEWAL NG MGA PRANGKISA, UMABOT SA 180!

June 07, 2020

3RD BATCH NG RENEWAL NG MGA PRANGKISA, UMABOT SA 180!
Date: February 07, 2020
Sa ikatlong releasing ng Renewal ng Prangkisa ng mga Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA), umabot sa 180 ang nagawaran nitong Enero 30,2020 sa Audio-Visual Room ng Meycauayan City Hall kaya tuloy-pasada muli para sa mga kapatid nating tricycle drivers.
Dinaluhan ito nina City Mayor Linabelle Ruth Villarica kasama sina City Vice-Mayor Jojie Violago, at mga Sangguniang Panlungsod Kon. Mario Berboso, na tumatayo ding Chairman ng Committee on Transportation, Kon. Mario Aguirre, Kon. Bunny Velasco, at Kon. Lara Abracero upang ipakita ang kanilang suporta sa mga kababayan nating TODA.

Pinamahalaan ng Tanggapan ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Sec. Rafael Giancarlo Villarico at ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa pamumuno ni BPLO Head Primitivo Tamayo ang naturang okasyon.