City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → SA UniFAST - Tertiary Education Subsidy: 25 NA ESTUDYANTE NG PCCM, MAY TIG-P40K GRANT!

April 03, 2020

SA UniFAST - Tertiary Education Subsidy: 25 NA ESTUDYANTE NG PCCM, MAY TIG-P40K GRANT!
Date: February 11, 2020
Natanggap ng 25 na estudyante ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) ang tig-P40,000 mula sa programang Tertiary Education Subsidy (TES) noong nakaraang Pebrero 7, 2020 sa Audio-Visual Room ng Meycauayan City Hall. Iginawad ito ni City Mayor Linabelle Ruth R. Villarica kasama sina Vice-Mayor Jojie Violago, at SP Members Kon. Cathy Abacan (Officer-In-Charge, PCCM), Kon. Atty. Lara Abracero at Kon. Bunny Velasco sa mga kwalipikadong estudyante ng nasabing kolehiyo.

Prayoridad sa TES ang mga nakapaloob sa 4Ps at Listahanan 2.0 ng DSWD o mga kabilang sa marginalized sector. Naroon din mula sa PCCM sina: Ms. Maria Sheryl O. Decilio, UniFAST-TES Focal Person; Ms. Maricris Ampuan, Hospitality Management Program Head; Ms. Rona Dela Rosa, Teacher Education Program Head; Mr. Gian Andrei N. Guardiano, Scholarship Coordinator; Ms. Myra B. Pestaño, Ms. Mary Grace C. Cleofas, Finance Officer; at Ms. Cecilia Alcantara, Treasury.

Matatandaan na unang napakinabangan ng 100 na estudyante ng PCCM ang TES noong Disyembre 21, 2018 kung saan bawat nakapasa sa mga kwalipikasyon ay tumanggap ng tig-P20,000. Kasunod nito ay natanggap din nila ang tig-P20,000 noong Marso 21, 2019. Sa ilalim ng R.A. 10931 o Universal Access to Tertiary Education Act (UAQTEA), ang TES ay isang scholarship grant na pinangunguhanan ng Commission on Higher Education (CHED) bilang kasapi ng Board ng Unified Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST)