City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → AKSYONG MEYCAUAYAN AT VALENZUELA CENRO: Tiwaling Pabrika Sa Valenzuela, Naipasara!

April 03, 2020

AKSYONG MEYCAUAYAN AT VALENZUELA CENRO: Tiwaling Pabrika Sa Valenzuela, Naipasara!
Date: February 17, 2020
Nang umabot sa Tanggapan ni City Mayor Linabelle Ruth R. Villarica ang problema ng marumi, mabaho at may kulay na sapa (creek) sa Brgy. Lawa noong Pebrero 2, 2020 ay agad na nagpa-ocular inspection siya kay City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Head Engr. Ricardo Sta. Ana na nag-inspeksyon noon ding araw na iyon at kinabukasan Pebrero 3, 2020 ay nagsagawa ng clean-up dito.

Kaya bago pa man dumating sa Meycauayan ang mga taga-GMA 7 noong Pebrero 4, 2020 upang mag-interview ay batid nang ang may kulay at amoy na tubig ay nagmumula sa mga upstream area ng mga pabrika sa Valuenzuela papunta sa residential downstream area ng Meycauayan. Kaugnay nito, maaga pa lamang ay nakipag-ugnayan na ang CENRO sa mga taga- Brgy. Lawa para sa isang panibagong clean-up. Kinabukasan, Pebrero 5, 2020, habang nagkakaroon ng clean up ang CENRO at Brgy. Lawa ay kasabay namang nagsagawa ng joint inspection ang Meycauayan at Valenzuela sa pabrika ng A. Tung Chingco Mfg. Corp. sa Brgy. Lawang Bato, Valenzuela City na pinagmumulan ng mabahong amoy.
Noong Pebrero 6, 2020, sa meeting nina Valenzuela CENRO OIC Engr. Romel Pondevida, Meycauayan CENRO Engr. Sta. Ana, Mr. Glenn Sison, Lawa Brgy. Kap. Richard Dela Cruz, at Kgwd. Tessie Lozada at Kgwd. Arsenia Soriente ay inirekomenda ang mabilis na pagpapawalang bisa ng Business Permit ng tiwaling pabrika. At Pebrero 11, 2020, ay inihain na ang Closure Order at matagumpay na naipinasara ang pabrika. Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang Valenzuela sa mga may-ari nito upang harapin ang nasabing paglabag.
Patuloy naman ang paglilinis ng Meycauayan CENRO sa mga nasabing creek at mga karugtong na sapa nito.