City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → RE-ORIENTATION NG SCHOOL POLICIES AT ‘TRUE LOVE WAITS’ SEMINAR, NAGANAP SA PCCM

August 06, 2020

RE-ORIENTATION NG SCHOOL POLICIES AT ‘TRUE LOVE WAITS’ SEMINAR, NAGANAP SA PCCM
Date: February 18, 2020
Sa araw ng mga puso, Pebrero 14, 2020, itinugma ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) para sa kanilang mga mag-aaral ang Gender and Development (GAD) “ True Love Waits” seminar kasabay ng “ Students’ Re-Orientation on School Policies” sa Meycauayan Convention Center (MCC) kung saan naging special guest at speaker si City Mayor Linabelle Ruth R. Villarica.

Sa mensahe ni Mayor LV, una niyang binati ang 25 Unified Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) grantees ng PCCM na tumanggap ng tig-P40K noong noong Pebrero 7, 2020. At para sa lahat ng estudyante ay ibinahagi niya na importanteng isapuso ang mga school policies na siyang batayan ng kanilang scholarship. Sa huli ay nasabi niya na makakaasa sa suporta niya at ng city government sa mga programa na layunin ang quality education. Natutuwa din siya na may seminar na nagtuturo na dapat unahin ang makatapos ng pag-aaral bago mag-asawa o “study first, marry later?” sa natutuwang reaksyon naman ng audience.

Nagbigay ng pananalita si PCCM OIC Kon. Cathy Abacan, at nakibahagi sina Ms. Rona Dela Rosa, (Teacher Education Program Head), Ms. Maricris Ampuan (Hospitality Management Program Head), Dr. Ma. Paz Contreras (OSA Director), at iba pang teaching & non-teaching personnel.

Sa pagtatapos ng programa ay binigyan ng Certificate of Appreciation si City Mayor Linabelle Ruth R. Villarica sa kanyang patuloy na suporta sa mga adhikain ng PCCM.