City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MEYCAUAYAN PUBLIC SCHOOLS, TUMANGGAP NG TIG-2 THERMAL SCANNERS!

June 07, 2020

MEYCAUAYAN PUBLIC SCHOOLS, TUMANGGAP NG TIG-2 THERMAL SCANNERS!
Date: February 18, 2020
Mabilis na tumugon ang Meycauayan LGU laban sa banta ng “COVID 19” (o dating novel coronavirus) sa pamamagitan ng pamamahagi ng hand-held thermal scanners (infrared thermometer) sa lahat ng pampublikong paaralan sa ilalim ng Depatment of Education (DepEd) sa flag raising ceremony ng City Hall kahapon, Pebrero 17, 2020.

Ayon kay City Mayor Linabelle Ruth R. Villarica, “ Kahit po nagkakaubusan na ng mga stocks, ang mga matatanggap ninyong 66 thermal scanners ay makakatulong para mabilis nating malaman kung sino sa mga estudyante o mga taong pumapasok sa city hall ang may lagnat o may sipon. “

Kasamang nag-abot ng mga scanners ni Mayor LV sina City Vice-Mayor Josefina Violago at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod Kon. Cathy Abacan, Kon. Lara Abracero, Kon. Cindy Paguio, Kon. Kat Hernandez, Kon. Bunny Velasco, Kon. Mario Berboso, Kon. Dhon Bañez, Kon. Ching Macatulad, at Kon. Niño Caparas

Matapos magkaroon ng demo kung paano ito gamitin ay agad na itong ginamit sa City Hall ng araw din ng pamamahagi ng thermal scanners.