City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MOBILE PASSPORTING 2018

November 18, 2018

MOBILE PASSPORTING 2018
Date: July 17, 2018
Hindi napigilan ng maulang panahon ang serbisyong ibinibigay ng ating butihing Mayor Henry R. Villarica para sa mga Meycaueños ang MOBILE PASSPORTING 2018 (Batch 2) na ginanap noong Hulyo 17, 2018 sa Meycauayan Convention Center. Bagaman hindi naging madali para sa mga taga-Department of Foreign Affairs ang pagpunta sa City of Meycauayan ay dumating pa rin sila upang matuloy ang proyekto ng City Government of Meycauayan sa pamamahala ni City Mayor Henry R. Villarica sa pakikipagtulungan sa Tanggapan ni Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica.

Matiyagang pumila ang mga Meycaueños na nagnanais na magkaroon ng passport na hindi na nila kinakailangang pumunta pa at magpaproseso sa malayong lugar.Dumalo din sila Kon. Jojie Violago at Kon. Cathy Abacan upang tiyakin na maging maayos ang pagsasagawa ng proyekto. Nagbigay naman ng assistance sa passporting mula ang iba;t-ibang departamento ng City hall sa pangunguna ng City Information and Community Relations Office (CICRO) sa ilalim ni Dra. Josefina C. Geslani at mga tanggapan ng GSO, ADMIN, HR.