City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → PNP, BFP, CDRRMO,CHO, KASAMA SA MAG-IIKOT SA CONTACT TRACING!

June 06, 2020

PNP, BFP, CDRRMO,CHO, KASAMA SA MAG-IIKOT SA CONTACT TRACING!
Date: April 29, 2020
Nakakita ka na ba ng PNP na pasyente ang binabantayan at hindi kriminal? Sa panahon ng COVID 19, nabago na nga ang senaryo.
Ang COVID 19 CONTACT TRACING TEAM (CTT) na mula Executive Order 016 ni Mayor Linabelle Villarica ay binubuo ng health physicians, BFP, CDRRMO at PNP upang siguruhin na maayos maisasagawa ang contact tracing at titiyak na mananatili sa quarantine ang mga taong may sakit at na-expose sa isang positive carrier patient.
Sa pulong kahapon, Abril 27, 2020, lumabas na mas agresibo nang kikilos ang CTT sa CONTACT TRACING, TESTING at ISOLATION upang habulin ang oras laban sa pagkalat ng nakamamatay na sakit.