City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MAHIGIT 63K NA RELIEF PACKS HANDOG SA MEYCAUEÑOS NG BULACAN PROV’L GOVT.

September 22, 2020

MAHIGIT 63K NA RELIEF PACKS HANDOG SA MEYCAUEÑOS NG BULACAN PROV’L GOVT.
Date: May 20, 2020
Malugod na tinanggap ni Meycauayan City Mayor Linabelle Villarica at 4th District of Bulacan Rep. Henry R. Villarica si Bulacan Gov. Daniel Fernando sa kaniyang inisyatibang mamahagi ng 63,467 relief packs kaninang umaga, Mayo 20, 2020 sa City Hall ng Meycauayan. Sama-sama nilang inumpisahan ang distribusyon sa Sitio Cabatuhan sa Brgy. Camalig katuwang ang mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Jojie Violago, Bokal Jonjon Delos Santos, Bokal Alex Castro at mga Punong Barangay ng lungsod para sa mga pinakaapektadong Meycaueños sa Modified Enhanced Commuity Quarantine (MECQ).