City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → TARGETED TESTING, TUESDAY MAY 26, 2020

July 10, 2020

TARGETED TESTING, TUESDAY MAY 26, 2020
Date: May 21, 2020
Sisimulan na ang targeted testing, kung saan uunahin ang mga healthworkers at iba pang frontliners at ang mga kasalukuyang Suspect, Probable, PUMs / PUIs sa Covid 19 patients ng lungsod, magmula Martes, Mayo 26, 2020 sa isolation facility, Meycauayan General Hospital sa Bulac, Brgy. Malhacan. Ang pamahalaang lungsod ng Meycauyan sa pangunguna ni Mayor Linabelle Villarica, ay nakipag-ugnayan sa Philippine Red Cross na siyang nagdulot ng training sa mga medical technologists ng City Health Office noong isang linggo, naghanda ng mga gagamitin na test kit at laboratory services para sa kaukulang resulta.
Sa loob ng limang minuto lamang ang swab test bagamat maaaring umabot ng limang araw bago makuha ang resulta. Wika ni Dr. Abe Bordador, na namumuno sa CHO, “PCR-swab test po, ang gagawin natin. Nasopharyngeal at oropharyngeal po ang swab.” Sa polymerase chain reaction (PCR) na testing, mismong ang genetic material ng Covid 19 ang matutuklas ng test kaya tiyak at kahit wala pang lumalabas na sintomas sa pasyente ay maaga na siyang maibubukod para hindi na makahawa sa iba. Ang sample mula sa pasyente ay kukunin sa pinakalooban ng ilong at sa bandang likod ng lalamunan.
Nakahanda na ang tatlong swab booth para sa Covid 19 test para sa dagdag proteksyon ng mga health workers bukod sa kanilang PPEs. Nakahanda na rin ang mga kuwarto sa MGH para ibukod ang mga kumpirmadong positibo na walang magagamit na solong kuwarto na pang-quarantine sa kanilang mga tahanan.