City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → BAGONG GCQ GUIDELINES MULA SA CONSULTATIVE MEETING

July 10, 2020

BAGONG GCQ GUIDELINES MULA SA CONSULTATIVE MEETING
Date: June 04, 2020
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pangunahing katangian ng nilagdaan ni Mayor Linabelle Villarica na Executive Order 20 para sa obserbasyon ng General Community Quarantine (GCQ) sa lungsod ng Meycauayan hanggang sa Hunyo 15, 2020.

1. QUARANTINE PASSES, HINDI NA KAILANGAN. Gayunpaman, magtatalaga pa rin ang mga barangay ng kanilang mga outpost para tiyakin na ang lumalabas ng kanilang mga bahay ay ang mga tinaguriang “Authorized Persons Outside of Residence” o APORs.

2. ORAS AT ARAW NG PAMAMALENGKE: Ang mga pamilihan ay bukas mula 5:00 n.u. hanggang 5:00 n.h. Lunes hanggang Sabado. Sarado pa rin po ang palengke tuwing Linggo.

3. OPERASYON NG IBA PANG MGA TINDAHAN: Ang mga groceries, convenience stores, atbp. ay bukas mula 8:00 n.u. hanggang 8:00 n.g. mula Lunes hanggang Sabado at sarado kapag Linggo.

4.TANGGAL NA ANG LIQUOR BAN. Gayunpaman, ang magbebenta lamang ay tanging mga tindahan o establisimyentong may “business permit to sell liquor.” May limitasyon din kung ilan lamang ang puwedeng ibenta sa bawat kostumer. May oras din ng pagbebenta at pamimili: 1:00 n.h. hanggang 5:00 n.h. Bawal ang inuman sa labas ng bahay. Ang mga patakaran hinggil dito ay nakadetalye sa E.O. 21, “An Order Lifting The Liquor Ban And Regulating The Sale, Distribution, Delivery, And Consumption Of Liquor, Alcoholic And Intoxicating Beverages In The City Of Meycauayan.”

5. CURFEW AY MANANATILI MULA 8:00 N.G. HANGGANG 5:00 N.U.

Nakalakip ang iba pang mga detalye ng mga alituntunin sa GCQ sa E.O. 20, “An Order Outlining The General Community Quarantine Protocols Of The City Of Meycauayan.” Nabalangkas ito sa pamamagitan ng konsultasyon ni Mayor Linabelle Villarica sa mga Punong Barangay at mga kaukulang ahensiya kahapon, Hunyo 3, 2020. Kasama sa panel ni Mayor Villarica ang mga kasapi sa City Peace and Order Council: Coun. Arnaldo Velasco, PNP Meycauayan Chief Bernard Pagaduan, City Legal Office Head, Atty. Bernard Joseph E. Domingo, CLGOO Benjamin M. Lastrollo ng DILG, at Meycauayan Traffic & Parking Bureau Head, Gen. Buenaventura Viray.