City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → GRADUATION SA BAHAY PAGBABAGO: BAYANIHAN PARA MAGING DRUG-FREE

September 22, 2020

GRADUATION SA BAHAY PAGBABAGO: BAYANIHAN PARA MAGING DRUG-FREE
Date: June 24, 2020
Nagtapos ang ika-12 batch ng reformists— mga dating drug dependents na nagkusang sumailalim sa reformation program ng Bahay Pagbabago— sa isang simple pero makabuluhang seremonya sa Barangay Center ng Saluysoy kanina, Hunyo 24, 2020. “Ang pagtatapos ng 24 na reformists ay tagumpay ng ating mga komunidad,” wika ni Mayor Linabelle Ruth R. Villarica na nagsusumikap para bawat barangay sa Meycauayan ay maturing na drug-free. Sa naturang okasyon na pinamunuan nila Meycauayan PNP Chief Bernard Pagaduan, ganap na sumuporta ang Bulacan Provincial Office ng PNP Bulacan na si PCOL Lawrence Bonifacio Cajipe

Upang makapasok sa Bahay Pagbabago, kinakailangan kusang-loob na lumapit sa Punong Barangay upang maigawan siya ng katibayan sa kaniyang pagnanais na magbago. Sa loob ng tatlong buwan ay sasailalim siya sa TESDA Livelihood Training kasama na ang spiritual formation sa pamumuno ng mga pastor, group activities gaya ng psycho-social trainings, at physical formation tulad ng pag-ehersisyo sa umaga at hapon at pagtatanim sa pamumuno naman ng Meycauayan PNP.