City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → SEKTOR NG FISHERFOLK AT AGRI WORKERS MAY RELIEF MULA SA CITY GOVT.

September 22, 2020

SEKTOR NG FISHERFOLK AT AGRI WORKERS MAY RELIEF MULA SA CITY GOVT.
Date: June 26, 2020
Umabot sa 586 na fisher folks, kasama na ang fishpond operators at vendors, at manggagawa sa mga palaisdaan mula Liputan, Ubihan at Longos ang nabigyan ng food packs ngayong umaga samantalang 105 naman na mga rice at vegetable farmers, maging mga livestock growers ang binahaginan sa hapon ng Hunyo, 26, 2020.
Pinangunahan ni Mayor Linabelle Ruth R. Villarica, kasama ang pinuno ng City Agriculture Office na si Dra. Imelda Arguelles, ang pagbabahagi ng food packs para sa fisherfolk sa mga daungan o punduhan ng Meymart, Constantino Subdivision, maging sa mismong barangay ng Longos. Samantala, ang pamamahagi sa agri workers ay isinagawa sa City Hall ng Meycauayan.