|
NEWS FLASH
The Citys → Archived → News Flash → NLEX AT CITY GOVT. NAGKASUNDO SA TRAFFIC MANAGEMENT PLAN
NLEX AT CITY GOVT. NAGKASUNDO SA TRAFFIC MANAGEMENT PLAN |
Date: June 29, 2020 |
 |
|
|
Lumagda ng Memorandum of Agreement ang North Luzon Expressway (NLEX) Corporation at City Government of Meycauayan para sa isang updated Traffic Management Plan sa lungsod ngayong Hunyo 29, 2020.
Ang NLEX Corporation ay kinatawan ni Bb. Ma. Theresa O. Wells (Chief Finance Officer), habang ang Lungsod ng Meycauayan ay kinatawan naman ni Mayor Linabelle Ruth R. Villarica. Nakapaloob sa nabanggit na MOA ang tungkol sa pagpapatupad ng isang Traffic Management Plan upang mapangasiwaan ang daloy ng trapiko sa paligid ng Meycauayan Interchange, Libtong Exit, at Pandayan Exit na tinaguriang Traffic Management Zones (TMZs). Ang kasunduan ay magiging epektibo sa loob ng tatlong (3) taon, at maaaring magkaroon ng mga pagbabago batay sa magiging taunang pag-review dito.
Naging saksi sa nasabing MOA signing sina City Vice Mayor Josefina O. Violago at Atty. Romulo S. Quimbo, Jr., Senior Vice President for Communications & Stakeholders Management ng NLEX Corporation. |
|