City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MEYCAUAYAN, BALIK-MECQ

November 24, 2020

MEYCAUAYAN, BALIK-MECQ
Date: August 03, 2020
Kabilang ang City of Meycauayan sa ibabalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula 12:00 madaling araw ng ika-4 ng Agosto, 2020 hanggang ika-18 ng Agosto, 2020. Ilang pang-lokal na gabay sa MECQ na ilalabas ni Mayor Linabelle Villarica bilang kautusan bukas ay may kinalaman sa mga sumusunod:
1. Mas istriktong pagpapatupad ng mga checkpoint ng PNP sa mga boundary ng Meycauayan simula mamayang 12:00 ng hating gabi;
2. Muling paggamit ng Quarantine Pass, sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay;
3. Pansamantalang pagsasara ng Common Terminal kaugnay sa tigil-pasada ng mga pampublikong transportasyon, maliban sa mga tricycle;
4. Pagbiyahe ng tricycle ayon sa MECQ Guidelines na Odd-Even Scheme at walang biyahe kapag Linggo;
5. Pagbukas ng Palengke mula Lunes hanggang Sabado ng 5:00 n.u. - 5:00 n.h. pero sarado tuwing Linggo para sa Disinfection;
6. Pananatili ng operating hours na 8:00 n.u. - 8:00 n.g. ng ibang establisimento;
7. Pananatili ng 8:00 n.g.-5:00 n. u. na Curfew;
8. Pagbabalik ng Liquor Ban;
9. Patuloy na pag-iral ng Truck Ban.
“Hinihiling ko ang kooperasyon ng ating mga ka-lungsod, patuloy nating gagawin ang lahat, katuwang ang ating mga barangay, para kayanin natin ang mga hamon ng kinakaharap nating pandemya,” wika ni Mayor LV na agarang nagmobilisa para sa bagong quarantine status ng lungsod kanina, Agosto 3, 2020.