City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → NATIONAL CODE TEAM, NAKIPAGPULONG SA MEYCAUAYAN LGU

November 24, 2020

NATIONAL CODE TEAM, NAKIPAGPULONG SA MEYCAUAYAN LGU
Date: August 19, 2020
Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod, nakipag-ugnayan ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team ng National task Force (NTF) Against COVID-19 sa City Government of Meycauayan para makipagtulungan sa pagpapababa ng infection rate ng lungsod, nitong nakaraang Lunes, Agosto 17, 2020. Ipinabatid ng grupong pinangunahan ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje ng Public Health Service Team na bagamat mataas ang insidente ng COVID-19 sa Bulacan, kanilang nasabing manageable pa ang kalagayan sa Meycauayan.

Sa isinagawang interventions ng Meycauayan LGU sa pamamahala ni Mayor Linabelle Villarica, kanilang inayunan ang tinatahak ng Pamahalaang Lungsod na pagtatalaga ng mga barangay isolation units o BIUs bukod sa inihanda nang Meycauayan Isolation Center sa Bulac, Malhacan. Sa obserbasyon naman ni City Health Officer Dr. Abelardo Bordador na karamihan sa mga nagpositibo ay mga nagtatrabaho sa NCR, minungkahi ng CODE Team na kanilang hihigpitan ang health standards sa work places sa NCR dahil diumano’y ganito rin ang nagaganap sa mga bayan ng San Jose Del Monte at Marilao na siyang una at pangalawa ngayon sa pinakamatataas na kaso ng COVID-19 sa Bulacan. Pumpangatlo rito ang Malolos at Meycauayan. Sa halip na malawakang lockdown ng mga bayan, ipapatupad na ngayon ang responsableng pag-lockdown sa mga sitio o barangay na COVID-19 hotspots.