City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → HOUSING PROJECT, SINISIMULAN NA!

December 02, 2020

HOUSING PROJECT, SINISIMULAN NA!
Date: October 08, 2020
Ang kauna-unahang housing project sa Lungsod ng Meycauayan ay sinimulan na. Ang Sampung Housing Units na matatagpuan sa Sitio Bulak, Brgy. Malhacan ay nakikinitang isang panimula ni Mayor LV sa magiging tuluy-tuloy na proyektong pabahay. Wika niya, "Layunin nating magkaroon ng maayos na tirahan ang mga informal settlers para hind sila naaanod o nanganganib tuwing may pagtaas ng katubigan. Makakatulong pa ito sa rehabilitasyon ng ilog." Ang Php3.5M na proyektong ipinapatupad ng City Engineering Office ay mula sa premyong natanggap ng Meycauayan LGU mula sa Performance Challenge Fund ng 2019 bilang awardee ng Seal of Good Local Governance (SGLG). Isa itong patotoo na sa mabuting pamamahala, MAY MAGANDANG BUHAY SA MEYCAUAYAN.