City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → DOLE COUNTERPART SA SPES IPINAMAHAGI NA SA BENEFICIARIES

December 01, 2020

DOLE COUNTERPART SA SPES IPINAMAHAGI NA SA BENEFICIARIES
Date: October 22, 2020
Sinaksihan ng Kinatawan ng DOLE Bulacan Field Office na si Bb. Leddy Salamat ang pamamahagi ni Mayor Linabelle Villarica ng kanilang 40% funding sa pitong (7) kabataang nakapagtapos ng Special Program on the Employment of Students (SPES) nitong Oktubre 20, 2020. Sa ilalim ng programa ng DOLE, ang kabuuang kabayaran sa pagtatrabaho ng mga SPES beneficiaries ay may 40% funding mula sa DOLE at 60% counterpart funding mula sa LGU. Para sa kanilang paglilingkod bilang mga Encoder sa mga barangay sa loob ng 20 araw, bawat beneficiary ay nabayaran ng PhP9,056. Nauna nang naipamahagi ang 60% share ng LGU na may katumbas na Php 5, 434 para sa bawat kabataan noong Setyembre 17, 2020. Nangasiwa si Meycauayan PESO Manager Josefina C. Geslani sa implementasyon ng SPES sa lungsod.