City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → 50 CIVIL SERVANTS SA STRESS MANAGEMENT NG LOCAL GOVERNMENT MONTH

December 02, 2020

50 CIVIL SERVANTS SA STRESS MANAGEMENT NG LOCAL GOVERNMENT MONTH
Date: October 22, 2020
Kaugnay ng pagmamarka ng Ika-29th Year ng paglalagda ng Local Government Code noong 1991, itinakda ang buwan ng Oktubre bilang Local Government Month kung saan nagsagawa ng “Basic Stress Management Training” sa 50 kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan nitong Oktubre 20, 2020. “Lahat tayo ay may iba-ibang stress levels, lalo na ngayong panahon ng pandemic. Kaya naghanda tayo ng ganitong pagsasanay para matulungan ang ating civil servants bilang frontliners sa serbisyo publiko ng tamang mindset at handling ng stress sa kanilang workplace,” wika ni Mayor Linabelle Villarica sa seminar na ginanap sa City of Meycauayan Convention Center.
Ibinahagi ng Resource Speaker na si Mr. Alvin Belen mula Business Coach, Inc. na kailangan na ma-identify muna ang stressors sa trabaho para mabigyan ito ng angkop at practical stress management techniques. Nakapagsagawa din ng creative activities on stress handling na sumunod sa standard health protocols. Bawat departamento ng Meycauayan LGU ay may kinatawan sa buong araw na training na inorganisa ng City Human Resource Management Office (CHRMO) sa pamumuno ni Ms. Judith Guevarra.