City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → TULONG PANGKABUHAYAN MULA DOLE PARA SA CHILD LABOR ELIMINATION

July 27, 2021

TULONG PANGKABUHAYAN MULA DOLE PARA SA CHILD LABOR ELIMINATION
Date: December 04, 2020
TULONG PANGKABUHAYAN MULA DOLE PARA SA CHILD LABOR ELIMINATION

Tiyempong papasok ng Disyembre, ginawaran ni Mayor LV ng kahon-kahong grocery items na paninda sina G. Analyn C. Abella ng Pandayan at G. Jelly E. Villanueva ng Bagbaguin bilang tulong-pangkabuhayan sa pamamagitan ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) ng DOLE. Ang mga puhunang paninda na nagkakahalaga ng PhP 20,000 ay bahagi ng kumprehensibong programang ibinaba sa mga mag-anak noong Nobyembre 27, 2020 sa pakikipag-ugnayan ng DOLE sa Meycauayan PESO. Ni-rescue ng DSWD Malolos Field Office ang mga menor de edad na anak ng mga Abella at Villanueva na sumasailalim na sa stress de-briefing at counselling ng DSWD Pampanga sa loob ng dalawang buwan. Ang PESO Meycauayan ay nasa pamamahala ni Gng. Josefina C. Geslani.