City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MANINGNING NA PASKO SA MEYCAUAYAN

July 27, 2021

MANINGNING NA PASKO SA MEYCAUAYAN
Date: December 05, 2020
Hindi mapipigilan ng pandemya ang Pasko. Naging hudyat ang pagbubukas ng ilaw ng Christmas tree sa pangunguna ni Mayor Linabelle Villarica kagabi, Disyembre 4, 2020, ng maningning na pag-asa para sa 2021 at ng simula ng isang linggong pagdaraos ng ika-14 na taon ng cityhood ng Meycauayan. Nakasama sa count down ng pagsisindi ng yuletide tree sina Cong. Henry Villarica, Vice-Mayor Jojie Violago, ang mga Konsehal, mga Punong Barangay at mga Department Heads ng City Government. Tulad nga ng tema ng 14th cityhood, maliwanag na sa Meycauayan, KAKASA KAME-- KAlusugan at KAunlaran SA KAtorse ng MEycauayan.