City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MGA MANGINGISDA AT MAGSASAKA, BIDA SA 14TH CITYHOOD!

March 06, 2021

MGA MANGINGISDA AT MAGSASAKA, BIDA SA 14TH CITYHOOD!
Date: December 07, 2020
Sa okasyon ng 14th Cityhood ay mangingisda at magsasaka naman ang bumida na nabigyan ng Agricultural & Aquacultural equipment ngayong araw, Disyembre 7, 2020 sa City Hall. Tumanggap mula kay Mayor Linabelle Villarica ng mga kagamitan hindi lamang sa pangingisda kundi maging sa pagtitinda ang mga mangingisda mula sa Ubihan, Liputan at Longos, tulad ng motor engine para sa bangka, black nets at gillnets, portable na timbangan at banyera at mga tri-bike Samantala, anim (6) na kinatawan ng mga magsasaka mula sa mga barangay ng Bagbaguin, Camalig, Lawa, Pandayan, Pantoc at Pajo ang tumanggap ng tig-iisang small water pump.
Ayon kay Agriculture Office (CAO) OIC Dra. Imelda Arguelles dagdag pa ang ipamimigay na ng tig-2500 pcs. na tilapia fingerlings sa ika-9 ng Disyembre, 2020 sa mga 20 fisherfolks. Patuloy din ang suporta nina VM Jojie Violago, Kon. Cathy Abacan, Kon. Lara Abracero, at ang mga Punong Barangay ng Longos, Kap. Arnel Gutierrez; at Ubihan, Kap. Niño Villadoz na nakibahagi sa programa.