City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → 344 NA PAMILYA NG HULO AT LONGOS NASA ALL NA

July 27, 2021

344 NA PAMILYA NG HULO AT LONGOS NASA ALL NA
Date: May 25, 2021
Buti na lang may ALL NA! Sa programang
A-yudang
L-okal para sa
L-ahat ng
Na-ngangailangan Pa
ay nakatanggap ng tig-isang kaban ng bigas mula sa Meycauayan LGU ang mga pamilya ng Hulo (215) at Longos (129) na hindi nabahaginan ng ECQ 2021 Financial Assistance mula sa national government. Sa programang “ALL NA,” inaasahan na masasakop na ang lahat ng pamilyang Meycaueño na naapektuhan ng pandemya. Tumungo mismo sina Mayor Linabelle at Cong. HRV sa mga barangay upang tiyakin na maayos ang pamamahagi ng ayudang pampamilya. Ginanap ang Day 2 ng ALL NA sa Hulo Chapel at Longos Elementary School ngayong Mayo 25, 2021.