City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → MGA BAGONG VEHICLES PARA SA SERBISYO-MEYCAUENO

November 18, 2018

MGA BAGONG VEHICLES PARA SA SERBISYO-MEYCAUENO
Date: July 20, 2018
Bahagi ng patuloy na pagpapatatag ng serbisyo publiko ng City Government of Meycauayan ay ang pamimigay si City Mayor Henry R. Villarica ng mga bago at de-kalidad na mga vehicles sa iba’t-ibang barangay at ahensya ng Lungsod noong Hulyo 16, 2018 sa City Hall Grounds ng City of meycauayan.
Pinangunahan ni City Mayor Henry R. Villarica ang Turn-over ng mga sasakyan kung saan tumanggap ang Philippine National Police (PNP)-Meycauayan ng 5 motorcycles; 2 motorcycles at 1 multi cab vehicle ang Meycauayan Traffic & Parking Bureau (MTPB);1 Ambulance para sa Brgy. Iba, na tinanggap ni Brgy. Capt. Agustin O. Seminiano; 1 Ambulance para sa Brgy. Saluysoy, na tinanggap ni Brgy. Capt. Crispin Lunaria; 1 Garbage Truck para sa Brgy. Poblacion na tinanggap ni Brgy. Capt. Roberto R. Orbeta; 1 Clearing Operation Truck sa Engineering Office na tinanggap ni City Engineer Gil P. Maglaqui;1 Van para sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) OIC Cirilo O. Delos Santos; at 1 Van para sa Business Permit & Licensing Office (BPLO) na tinanggap nina Atty. Jackelyn Joy B. Pernitez at BPLO OIC Primitivo G.Tamayo.