City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → SENIOR CITIZEN HALL EXTENSION BLDG., BUKAS NA!

November 18, 2018

SENIOR CITIZEN HALL EXTENSION BLDG., BUKAS NA!
Date: September 07, 2018
Pinangunahan nina City Mayor Henry R. Villarica at Deputy Speaker at 4th District Representative Linabelle Ruth R. Villarica ang Ribbon-Cutting ng Extension Building ng Senior Citizen Hall sa Kingfisher Avenue corner Eagle Street Brgy. Pandayan, City of Meycauayan ngayong Setyembre 6, 2018. Katuwang din sa ribbon-cutting sina City Coun. Jojie O. Violago, Pandayan Brgy. Captain Judge Rolando Bulan, Senior Citizen President Jose M. Concha.

Ang open house na dagdag na espasyo para sa ating lolo at lola ay magagamit sa kanilang mga aktibidad sa iba’t-ibang proyekto at programa. Nakibahagi din sa masayang okasyon ang iba’t-ibang organisasyon gaya ng Over-all President ng Alliance of Senior Citizens Nini Marin, OSCA Pres. Angel Pedro kasama ang iba pang opisyales nito, at iba pang mahahalagang bisita mula sa Rotary Club Uptown, Rotary Club of Meycauayan Gold, Knights of Columbus, San Jose ang Manggagawa, Daughters of Mary Immaculate, Parish pastoral Council, Legal Counsel & Adviser Atty. Ruben Mabagos at Ret. Judge Ofelia Pinto.