City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → HEARING AIDS, IPINAMAHAGI SA MGA SENIOR CITIZENS NG IKA-4 NA DISTRITO

November 18, 2018

HEARING AIDS, IPINAMAHAGI SA MGA SENIOR CITIZENS NG IKA-4 NA DISTRITO
Date: September 07, 2018
Hindi nabigo ang mga Senior Citizens mula sa ika-4 na Distrito nang kanilang tinanggap mula kina Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica at City Mayor Henry R. Vilarica ang tinatayang umabot sa 100 hearing aids ngayong Setyembre 6, 2018 sa Brgy. Saluysoy, City of Meycauayan na sagot sa kanilang problema sa pandinig.

Tuwang-tuwa ang mga lolo at lola nang matapos ang demo ay kaagad nila itong ginamit at sila ay muling nakarinig, mayroon ding nakarinig sa kauna-unahang pagkakataon. Kabilang ang mga matatandang mamamayan ng Lungsod ng Meycauayan sa nabiyayaan ng hearing device na inaasahang matutulungan sa kanilang hearing loss.