City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → SENTENARYONG MEYCAUENO, KINILALA NGAYONG IKA-4 NG SETYEMBRE 2018

November 18, 2018

SENTENARYONG MEYCAUENO, KINILALA NGAYONG IKA-4 NG SETYEMBRE 2018
Date: September 05, 2018
Kinilala ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) – Region III bilang “Natatanging Sentenaryo ng Lungsod ng Meycauayan” (Nag-edad ng 100 taon) si JUANA Q. DEL ROSARIO nakatira sa Bancal Extension, Meycauayan, Bulacan kasama ang dalawang (2) anak at apo.

Bilang pagpapahalaga sa ating nakakatandang Meycaueño, masayang inabot ni Mayor Henry R. Villarica ang Certificate of Recognition at cash na Isang Daang Libong Piso (P100,000.00) katuwang sina DSWD Administrative Aide IV Jessica Manansala; Social Welfare Assistance Nestor L. Pineda; Donnabel P. Boado, PDOI Social Pension/Focal Person at CSWD Head Vilma Rupac kasama din sina Kon. Raoul Atadero, Kon. Bunny Velasco at Kon. Cocoy Dulalia.