City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → ORGANIC VEGETABLES PARA SA GROWERS

November 18, 2018

ORGANIC VEGETABLES PARA SA GROWERS
Date: September 10, 2018
Nagpamahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan sa ilalim ng matatag na pamamahala ni City Mayor Henry R. Villarica ng 25 bags ng organic fertilizers, 25 seedling trays, 400 meters (1 roll) plastic mulch, at vegetable seeds ng ampalaya, okra, siling turo, pechay, pole sitao, talong, at tomato (6,057 grams) sa limang (5) farmers/growers sa katauhan nina G. Enrico Soriente,G.Isaias Artais, G. Larry Antonio, G. Ricky Adolfo, at G. Randy Faderon nitong Setyembre 7, 2018 sa City Hall Audio-Visual Room (AVR) Camalig, City of Meycauayan, Bulacan.

Ang programa na dinsluhan ni City Mayor Villarica ay tinawag na “Distribution of Planting Input/Materials for Organic Vegetables Production” ay pinamahalaan ng City Agriculture Office (CAO) sa ilalim ni City Agricultural Officer Elvira De Asis katuwang ang kanyang mga staff. Layon nito na higit pang mapaunlad ang produksyon ng gulay sa ating Lungsod.