City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → RUBBER BOATS, OUTBOARD MOTORS , ATBP. TINANGGAP NG MEYCAUAYAN 911

November 18, 2018

RUBBER BOATS, OUTBOARD MOTORS , ATBP. TINANGGAP NG MEYCAUAYAN 911
Date: September 20, 2018
Upang mapaghandaan ang mga sakuna ay mas lalong pinatatag ng City Government of Meycauayan ang pag-responde sa mga kalamidad sa pamamagitan ng dagdag suporta na kagamitan sa MEYCAUAYAN 911 WASAR TEAM sa ilalim ng Tanggapan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa pamumuno ni Dr. Rosauro M. Gonzales.

Inihandog ni City Mayor HENRY R. VILLARICA sa Meycauayan 911 WASAR (Water Search and Rescue) Team ang dalawang (2) bagong Combination of Fiber at Plastic (Poly-ethylene) na Ultra Porta Boats (UPB) at isang (1) rubber boat at tatlong (3) Outboard Motors with Heavy Duty Trailer. Ang nasabing mga boats at motors with trailer ay mga kagamitang may matataas na kalidad na magiging kapaki-pakinabang sa panahon ng kalamidad. Kabilang din sa ipinamahagi ni City Mayor Villarica ang 4 Vests, 4 Helmets, at 4 na Paddles noong Setyembre 19, 2018 sa City Hall Grounds sa Camalig, City of Meycauayan.