City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → BIKTIMA NG BUHAWI, NABIGYAN NG TULONG PINANSYAL NI CITY MAYOR VILLARICA

November 18, 2018

BIKTIMA NG BUHAWI, NABIGYAN NG TULONG PINANSYAL NI CITY MAYOR VILLARICA
Date: October 01, 2018
Sa pananalasa ng Bagyong Karding, may ilan na mas nakaranas ng hirap nang sinabayan ito ng bagsik ng Ipo-ipo gaya ng 19 kabahayan sa Brgy. ng Longos at 1 kabahayan sa Brgy. Saluysoy. Bilang tugon ay agad na nag-abot ng tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng sampung libong piso (P 10,000) kada pamilya sa dalawampung (20) pamilya naapektuhan ng Ipo-ipo. Ito ay personal na iniabot ni City Mayor Henry R. Villarica sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ni Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica noong Setyembre 26, 2018 sa Brgy. Saluysoy. Ang mga natulungan ay ayon na rin sa evaluation ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa ilalim ng pamumuno ni OIC Vilma R. Rupac.