City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → READING, WRITING, COUNTING BOOKS, IPINAMAHAGI SA 39 DAYCARE CENTERS SA MEYCAUAYAN

November 18, 2018

READING, WRITING, COUNTING BOOKS, IPINAMAHAGI SA 39 DAYCARE CENTERS SA MEYCAUAYAN
Date: October 01, 2018
Personal na pinuntahan ng masipag na City Mayor Henry R. Villarica sa pakikipagtulungan ni Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica ang lahat ng tatlumpu’t siyam (39) na Daycare Centers ng City of Meycauayan sa loob ng dalawang (2) araw, mula Setyembre 24-25, 2018 upang mamahagi ng 2,386/libro na Reading, Writing at Counting (Level 1 & 2) books sa ilalim ng programang “Distribution and Awarding of Books”na magagamit ng apatnapu’t-apat (44) na Daycare Workers bilang supplemental materials for learning ng mga batang estudyante.

Kabilang sa tumulong sa pamamahagi ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP) Kon. Jojie Violago, Kon. Cathy Abacan, Kon. Kat Hernandez, Kon. Bunny Velasco, Kon. Mario Berboso, Kon. Cocoy Dulalia at SK Federation Pres. Kon. Niño Caparas. Katuwang din ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pamumuno ni OIC Vilma Rupac ang mga Tanggapan ng General Services Office sa ilalim ni Ms. Cristina Pineda at City Information and Community Relations Office (CICRO) sa pamamahala ni Ms. Josefina C. Geslani Ph.D.