City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → ACCESS NG BYAHE NG MGA TODA SA 2 CITY: MAYOR VILLARICA AT MAYOR GATCHALIAN, NAG- MOA SIGNING

November 18, 2018

ACCESS NG BYAHE NG MGA TODA SA 2 CITY: MAYOR VILLARICA AT MAYOR GATCHALIAN, NAG- MOA SIGNING
Date: October 09, 2018
Pumirma sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sina Meycauayan City Mayor ATTY. HENRY R. VILLARICA at Valenzuela City Mayor REXLON T. GATCHALIAN ukol sa transportation access ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa pagitan ng magkapit-bahay na mga Lungsod.Ito ay upang mapaunlad ang pagdadala ng batayang serbisyo at iangat ang kagalingan ng mga pasaherong mamamayan ng mga lungsod. Ayon na rin sa pinagkasunduang MOA ay PINAPAYAGAN ang pagpasok ng MEYCAUAYAN-TUGATOG-BANGA TODA (MTBTODA) sa Valenzuela City na may ruta mula Tugatog at babaybay ng Veinte Reales hanggang sa Barangay Hall ng Brgy. Veinte Reales, Valenzuela City sa bisa ng Supervision Permit at mga kaugnay na batas nito. Gayundin, ang City of Meycauayan ay PINAPAYAGAN ang pagpasok ng TUGATOG-VIENTE REALES TODA (TVRTODA) sa City of Meycauayan na may ruta mula Poblacion Market, Meycauayan City via Gov. Licaros Avenue sa bisa ng ibibigay na ng Supervision Permit at mga kaugnay na batas nito.

Saksi sa nasabing MOA Signing ang mga kinatawan mula sa Valenzuela City: City Coun. Ricar Enriquez, District 1 Councilor; G. Jose A. Valenzuela, Jr. Head ng TMO Valenzuela City; Ms. Mara Salazar, PIO; at mula sa TVR TODA ay naroon sina G. Severino Aventurado, President; G. Felix N. Municit, Jr. Vice-President; G. Wilfredo Novela, Secretary.

Mula naman sa City of Meycauayan ay naroon sina G. Rafael Giancarlo Villarico, City Administrator; G. Primitivo G. Tamayo mula BPLO; Mrs. Josefina C. Geslani, Ph.D., City Information Officer; at Atty. Jackelyn Joy B. Pernitez, Attorney III.