City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → CASH CARDS, TINANGGAP NG MEYCAUEŇOng 4Ps

November 18, 2018

CASH CARDS, TINANGGAP NG MEYCAUEŇOng 4Ps
Date: October 02, 2018
Dahil sa pagnanais nina City Mayor Henry R.Villarica at Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica na patuloy na matulungan ang mga mahihirap na Meycaueño ay labis-labis na suporta ang ibinibigay nila sa mga programang makatutulong sa mga ito. Tulad na lamang ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD),kung saan umabot sa 359 benepisyaryong 4Ps ang nabigyan ng cash cards ngayong Oktubre 2, 2018 sa Audio Visual Room (AVR) ng City of Meycauayan.

Kasamang nagpamahagi ni City Mayor Villarica sina Land Bank Manager na si Ms. Lilibeth P. Lim, Land Bank Staff Ms. Vivian Maximo at Pantawid Pamilyang Pilipino Program Staff mula sa Region III Office ng DSWD, gayundin sa local arm nito na City Social Welfare and Development Office(CSWDO) sa pinamumuno ni OIC Vilma R. Rupac.