City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → BLESSING & TURN-OVER OF 3-STOREY (15 CLASSROOM) BUILDING, DINALUHAN NI MAYOR HENRY

December 12, 2018

BLESSING & TURN-OVER OF 3-STOREY (15 CLASSROOM) BUILDING, DINALUHAN NI MAYOR HENRY
Date: November 12, 2018
Upang makatulong sa dumaraming mag-aaral ng Lungsod ng Meycauayan, isa ang Saluysoy Integrated School sa pinaglaanan ng pondo ng ating Punong Lungsod Henry R. Villarica katuwang ang kanyang maybahay Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica sa pagpapabilis na mayari ito kaya’t malaking tuwa ng mga guro at estudyante sa naganap na Blessing & Turn-Over ng 3 Storey (15 classroom) Building ngayon ika -12 ng Nobyembre, 2018.
Pinangunahan ni Mayor Henry ang Cutting of Ribbon at ni Gng. Mercedita G. Llenado, Principal II ng SIS. Sumaksi naman sa nasabing okasyon sina Kon. Jojie Violago, Kon. Bunny Velasco, Kon. Cathy Abacan, Kon. Cocoy Dulalia, Kon. Kat Hernandez, Kon. Mario Berboso, Ex. Kon. Mario Aguirre, PB. Olivert Duya ng Pantoc, PB. Atty. Lara Abracero ng Lawa, PB. Crispin Lunaria ng Saluysoy., Maribel Lauria (OIC Master Teacher) at Larry Canuto (Master Teacher I) ng Saluysoy Integrated School.