City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → “OPLAN LINIS PIITAN”: MEYCAUAYAN CITY JAIL, DRUG FREE FACILITY!

December 12, 2018

“OPLAN LINIS PIITAN”: MEYCAUAYAN CITY JAIL, DRUG FREE FACILITY!
Date: November 19, 2018
Nagsagawa ngayon ika-19 ng Nobyembre, 2018 ng OPLAN LINIS PIITAN sa Meycauayan City Jail na pinamumunuan ni Jail Warden Sr./Insp. Manolet Datan ang PDEA ng Region III; kasama ang ating PNP Chief Santos D. Mera Jr. at kanyang mga staff, na sinaksihan ng ilang CADAC Members at CICRO Staff.

Ang random drug testing sa animnapu’t walong (68) Person Deprived of Liberty (20% of jail population) and 17(100%) BJMP personnel ay sumailalim sa pagsusuri ng City Health Office Staff sa pamumuno ni Dr. Abelardo Bordador .
Sa pamamagitan ng nabanggit na test, napatunayan ng Meycauayan City Jail sa pagsisiyasat ng PDEA Region III kasama ang K9 Unit mula sa Bulacan Provincial Office na 100% negatibo ang resulta kaya’t nabigyan tayo ng “Certificate of Negative Seizures of Presence of Any Dangerous Drugs/Contrabands”.

Mabuhay ang Meycauayan City Jail sa maayos na pamamalakad at kalinisan ng piitan at pasasalamat din sa pagsuporta ng ating Punong Lungsod Henry R. Villarica sa kanilang mga programa.