City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → NATUPAD NA PANGARAP NI “LOLA ISING”…. WHEELCHAIR PINAGKALOOB NI MAYOR HRV AT DS LINABELLE VILLARICA

December 05, 2019

NATUPAD NA PANGARAP NI “LOLA ISING”…. WHEELCHAIR PINAGKALOOB NI MAYOR HRV AT DS LINABELLE VILLARICA
Date: November 28, 2018
Nakatawag pansin kina City Mayor HRV at DS Linabelle Ruth Villarica ang isang walumpu’t apat (84)na taon gulang na senior citizen na pasan pasan ng kanyang anak sa dinaluhang MEDICAL MISSION na programa ng mag-asawa na ginanap noong ika-25 ng Nobyembre sa St. Mary’s College of Meycauayan kaya’t pinapunta si Lola Ising sa Tanggapan ng Punong Lungsod.

Labis ang kagalakan ni Crisanta “Lola Ising” Fernandez ng Barangay Bancal kasama ang kanyang anak na si Mario Fernandez Jr. nang tanggapin mula sa ating Punong Lungsod ang isang wheelchair kahapon ika-28 ng Nobyembre, 2018. Ayon kay Lola Ising matagal na niyang pangarap na magkaroon ng wheelchair para hindi na mahirapan ang anak sa pagpasan sa kanya at labis labis ang kanyang pasasalamat sa mag-asawa na tinugon nila ang kanyang pangarap.