City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → PROYEKTONG PANG EDUKASYON: 357 ESTUDYANTE ANG NAKATANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE MULA KAY MAYOR HRV AT DS LINABELLE VILLARICA

April 19, 2019

PROYEKTONG PANG EDUKASYON: 357 ESTUDYANTE ANG NAKATANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE MULA KAY MAYOR HRV AT DS LINABELLE VILLARICA
Date: January 16, 2019
Sa tuloy-tuloy na programa at proyektong pang edukasyon ng ating Punong Lungsod Henry R. Villarica at ng kanyang butihing kabiyak DS Linabelle Ruth R. Villarica, ginanap ngayon ika-15 ng Enero 2019 ang RELEASING OF EDUCATIONAL ASSISTANCE na tsekeng tig P3,000.00 sa 357 estudyante.

Muling ipinadama ni Mayor Henry kaagapay ang kanyang kabiyak DS Linabelle sa kanyang mensahe ang taos sa puso nilang pagsuporta sa mga kabataan mag-aaral ng Meycauayan at sa patuloy na pagbibigay ayuda sa kanilang pag-aaral, pagplaplano sa mga karagdagang school buildings tugon sa dumaraming estudyante ay maitaas ang kalidad ng edukasyon at pag nakatapos sila ay maitaas ang antas ng pamumuhay sa Lungsod ng Meycauayan.

Bumati naman sina Kon. Jojie Violago, Kon. Cathy Abacan, Kon. Kat Hernandez, at Ex. Kon. Mario Aguirre at patuloy daw ang kanilang suporta sa proyektong pang edukasyon ng ating Punong Lungsod at kay DS Villarica. Kasama rin sina CSWDO Head Vilma Rupac, kanyang mga staffs at City Information Officer Dr. Josefina C. Geslani.