City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → #DEMOLITION SA PUROK MALIGAYA, MALHACAN #MAYOR HRV NAGBIGAY NG TULONG PINANSIYAL SA 119 NA PAMILYA

November 19, 2019

#DEMOLITION SA PUROK MALIGAYA, MALHACAN #MAYOR HRV NAGBIGAY NG TULONG PINANSIYAL SA 119 NA PAMILYA
Date: January 14, 2019
Sa utos ng ating Punong Lungsod Henry R. Villarica, sa pakikipag-ugnayan ng City Social Welfare & Development Office sa pamumuno ni Gng. Vilma Rupac na matugunan ang pinansiyal na pangangailangan ng 119 pamilyang taga Purok Maligaya, Malhacan na madedemolish ang tinitirhang bahay sa ika-15 ng Pebrero 2019 ay naidaos ngayong ika-14 ng Enero ang pamamahagi ng tig-sampung libong piso ( P10,000.00) at grocery bag sa bawat pamilya.

Sumaksi mula sa Pamahalaang Barangay ng Malhacan sina Punong Barangay Tikboy San Pablo, Kag. Basilio Arana, Kag. Dado Abacan, Kag. Romel Abacan, Kag. Orbel Cornelio at Kag. Charito Dayuta.

Gayundin sa kinatawan ng Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan sinaksihan ito nina Kon. Jojie Violago, Kon. Bunny Velasco, Kon. Cathy Abacan,Kon. Cocoy Dulalia, Kon. Tomas Rosales, Kap. Olivert Duya (Pantoc), Kap. Atty. Lara Abracero (Lawa), Ex. Kon. Mario Aguirre at City information Officer, Dr. Josefina C. Geslani.