City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → VALENTINE PARTY 2019 LABS KITA LOLO AT LOLA PART 8 SENIOR CITIZEN-MEYCAUAYAN

June 18, 2019

VALENTINE PARTY 2019 LABS KITA LOLO AT LOLA PART 8 SENIOR CITIZEN-MEYCAUAYAN
Date: February 28, 2019
Ang programang pinakahihintay para sa buwan ng mga puso ay naganap na! Ang proyektong nagpapasaya, nagpapasigla, at nagpapaantig ng mga puso ng mga Senior Citizens na handog ng ating pinakamamahal na DEPUTY SPEAKER LINABELLE RUTH R. VILLARICA kasama ang ating PUNONG LUNGSOD HENRY R. VILLARICA, ang pagdiriwang ng Labs Kita Lolo at Lola Part 8 para sa Senior Citizen ng Lungsod ng Meycauayan ay ginanap noong ika-23 ng Pebrero sa Gymnasium ng St. Mary’s College of Meycauayan sa Barangay Saluysoy.

Dinalaw ang nasabing okasyon sina Senator Grace Poe at dating Secretary Assistant to the President (SAP) Bong Go at bumati naman sina Mayor Christian Natividad, Bokal Anjo Mendoza, Kgg. Enrique delos Santos Jr.,Kgg. Eumir Samera at Kgg. Froilan Caguiat.
Upang mabigyan lalo ng kasiyahan ang mga nanonood, isang sorpresang bilang naman ang inihanda ng ating Kinatawan ng Ika-4 na Distrito ng Bulakan, Linabelle Ruth R. Villarica sa pagganap ng Egyptian Queen bilang Cleopatra at sa saliw ng tambol at pag-indak ng mga dancers ng St. Benedict School at ng PCCM sa pamumuno ni mam Elma Baltazar ay masigabong palakpakan ang isinukli ng mga seniors. Damang dama ang labis na katuwaan ng mga katandaan. Napakaganda ng Filipino Folk Dance na SUBLI kung saan ang ating DS Speaker ay nagpakita ng kanyang galing sa pagsayaw kasama ang ibang miyembro ng Soroptimist International of Meycauayan na sina Anne Marie Mizuse, Lanie Villarico, Thelma Esterban, Baby Villarica, Tess Avendano, Elvie Sales at Teng Villarico ng Soroptimist international of Meycauayan.

MGA NANANALO:
Lola Queen – Lucila Llorente/Barangay Langka

Best in Costume:
Barangay Poblacion

Dance Contest:
1st Prize - Hawaian Dance/Barangay Perez
2nd Prize – USA/Barangay Iba
3rd Prize – Spanish Dance/Barangay Poblacion
Consolation Prize: Nigerian/Barangay Saluysoy; Chinese Dance/Barangay Pandayan;
Japanese Dance/Barangay Langka