City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → DISTRIBUTION OF 2 FIRETRUCKS & 2 AMBULANCE

August 19, 2019

DISTRIBUTION OF 2 FIRETRUCKS & 2 AMBULANCE
Date: March 27, 2019
Kabilang sa mga programa ng ating Punong Lungsod Henry R. Villarica at DS Linabelle Ruth R. Villarica na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mamamayan. Kaya’t sa panahon ng tag-init at sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month pinangunahan ni Deputy Speaker LV ang pagkakaloob ng 2 Firetrucks sa Bureau of Fire Protection noong ika-25 ng Marso 2019 na tinanggap ni SFO3 Lauro R. Claus kinatawan ni Fire Marshall Chief Insp. Christopher U. Lumiwes. Gayundin ipinagkaloob ang 2 ambulansiya kay City Health Officer, Dr. Abelardo B. Bordador upang mapabilis ang pagresponde sa mga maysakit.

Sinaksihan naman ito nina Kon. Jojie Violago, Kon. Cathy Abacan, Kon. Bunny Velasco, Kon. Kat Hernandez, Kon. Mario Berboso, Kon. Tomas Rosales, Kon. Elmer Paguio, PB Pantoc Olivert Duya, PB Lawa Lara Abracero, Former Kon. Mario Aguirre at City GSO Head Cristina Pineda.

#tuloytuloyangpaglilingkodsamgameycaueno