City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → NATIONAL SIMULTANEOUS FIRE DRILL ISINAGAWA NG BFP SA BARANGAY GASAK

June 18, 2019

NATIONAL SIMULTANEOUS FIRE DRILL ISINAGAWA NG BFP SA BARANGAY GASAK
Date: April 04, 2019
Ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa Lungsod ng Meycauayan sa pamumuno ni Fire Marshall Chief Inspector Christopher Lumiwes katuwang si Deputy SFO3 Lauro Klaus ay masipag na nagtataguyod ng mga aktibidad kontra sunog sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa Lungsod ng Meycauayan. Kaya’t pagkatapos ng pagbibigay ng training sa ating CDRRMO Personnel noong ika-30 ng Marso kinabukasan Marso 31, 2019 isinagawa sa Barangay Gasak ng BFP ang NATIONAL SIMULTANEOUS FIRE DRILL katuwang na ang City Disaster Risk Reduction Management Office na pinamumunuan ni OIC Julieta dela Cruz kasama si Deputy Jay Francis Rubio at mga staff. Layunin nito ang mabigyan ng kaalaman ang ating mamamayan sa pagsugpo at hakbangin sa oras ng sunog. Gayun na lamang ang pagsuporta ng ating Punong Lungsod Henry R. Villarica kaagapay ang ating mahal na Congresswoman Linabelle Ruth R. Villarica sa mga programa ng ating BFP.

Kaugnay nito pinasimulan ng Bureau of Fire Protection at CDRRMO ang binalangkas na COMMUNITY FIRE AUXILLIARY GROUP (CFAG) na binubuo ng mga miyembro ng komunidad. Ang Barangay Gasak sa pamumuno ni Kapitan Homer J. Evangelista ang naunang batch ng CFAG.