City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → EARTH DAY 2019 “PROTECT OUR SPECIES”

August 19, 2019

EARTH DAY 2019 “PROTECT OUR SPECIES”
Date: April 22, 2019
Ang Pamahalaang Lungsod ng Meycauayan sa pamumuno ni City Mayor Henry R. Villarica kaagapay si DS Linabelle Ruth R. Villarica at ng Sangguniang Panlungsod ay nagsagawa ng pagtatanim ng Kawayan na ginanap noong ika-12 ng Abril 2019 sa Common Terminal, Malhacan kaugnay sa pagdiriwang ng EARTH DAY 2019 na may temang “Protect Our Species”.

Ang programa ng pagtatanim ng KAWAYAN ay pinangunahan ni City Information Officer Dra. Josefina C. Geslani katuwang sina CENRO OIC, Loloy delos Santos at CDRRMO OIC Julieta dela Cruz.
Dumalo sina City Administrator Rafael GianCarlo T. Villarico, Kon. Elmer Paguio, Kon. Tomas Rosales, Kon. Mario Berboso, Kon. Cocoy Dulalia, former Kon. Mario Aguirre, SK Federation Pres. Nino Caparas, CEEMO Head Roderick Ronidel, OSCA Chairman Angel Pedro, Pangulo ng Senior Citizens Alliance Inc., Nini Marin, PB Malhacan Dem San Pablo at mga kagawad at mga kagawad ng Barangay Lawa.
Nakiisa sa pagtatanim sina Pangulong Erlinda Villarica at Members ng Soroptimist of Meyc.(SIM), Pangulong Percival Doctor at Members ng Rotary Club of Meyc. Gold, Pangulong Elizabeth Manuel at Members ng Rotary Club of Meyc. Uptown at Commission on Social Action Head Anthony Merensano.