City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → BALIK ESKWELA 2019 (DAY 1)

August 19, 2019

BALIK ESKWELA 2019 (DAY 1)
Date: May 24, 2019
DAY 1

BALIK ESKWELA 2019

Kaugnay ng programang Balik-Eskwela 2019 ng ating mahal na Mayor Henry R. Villarica, matagumpay na nasimulan ang pamamahagi ng mga bags, school supplies at instructional materials sa unang grupo ng pampublikong paaralan sa Lungsod ng Meycauayan kahapon, Mayo 23, 2019. Kasabay din ang pagbibigay ng mga pintura na magagamit nila upang mas lalong mapaganda ang paligid ng bawat paaralan, bilang pagsuporta sa programa ng Department of Education ( DEPED ) na BRIGADA ESKWELA. Pinangunahan ng ating butihing Mayor Henry R. Villarica kaagapay si Deputy Speaker Linabelle Ruth Villarica ang pamamahagi sa bawat pampublikong paaralan ng Barangay Longos, Bayugo, Meycauayan Central School, Zamora, Calvario, Saluysoy, Bancal Elem., Bancal Ext., Banga, Tugatog, Caingin, Lawa, at Pandayan. Kasama sa pamamahagi ang Sangguniang Panglungsod ( SP ) Kon. Jojie Violago, Kon. Kat Hernandez, Kon. Bunny Velasco, at PB.Atty. Lara Abracero. Nakiisa rin sila SK Federation President Niño Caparas, General Services Officer Tina Pineda, City Information Officer Dra. Josefina Geslani, mga Kapitan at Kagawad ng bawat Barangay,mga Principals at guro, at mga DEPED Supervisors. Mababakas sa mukha ng bawat bata ang kasiyahan dahil sa kanilang natanggap at taos puso ang kanilang pasasalamat para sa tuloy tuloy na serbisyong ginagawa ng ating Punong Lungsod sa mga Meycaueños. Gayundin, nagpasalamat ang ating Mayor Henry R. Villarica at Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica sa patuloy na pagtangkilik at pagtitiwala ng mga Meycaueños sa kanila.

#tuloytuloynapaglilingkodparasameycaueños

#BALIKESKWELADAY1