City of Meycauayan Bulacan
NEWS FLASH

The Citys → Archived → News Flash → BALIK ESKWELA 2019 (DAY 3)

June 18, 2019

BALIK ESKWELA 2019 (DAY 3)
Date: May 27, 2019
DAY 3

BALIK ESKWELA 2019

Sa pagtatapos ng huling araw ng BRIGADA ESKWELA 2019 ngayon Mayo 27, 2019, hindi naging hadlang ang tawid- ilog upang sadyain ng ating butihing Mayor Henry R. Villarica ang mga pampublikong paaralan ng Barangay Liputan at Ubihan, kaagapay ng ating Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica para ipagkaloob ang mga bags, school supplies, instructional materials at mga pintura. Kasama rin sa pamamahagi ang Sanguniang Panglungsod ( SP ) Kon. Kat Hernandez, Kon. Cathy Abacan, Kon. Cocoy Dulalia, Councilor-elect Mario Aguirre at Councilor-elect Atty. Lara Abracero. Nakiisa rin sila General Services Officer Tina Pineda, City Information Officer Josefina Geslani Ph.D., CDRRMO Deputy Officer Jay Rubio, mga Kapitan at Kagawad ng dalawang barangay na nabangit, mga Principals at guro, at mga DEPED Supervisors.

Hindi mapapantayan ang saya sa bawat mag aaral na napagkalooban ng mga gamit pang eskwela para sa darating na pasukan sa susunod na buwan. Taos puso rin ang pasasalamat na mula sa mga magulang at guro dahil sa malaking tulong na naipagkaloob ng ating mahal na Mayor Henry R. Villarica. Ang tuloy-tuloy na pagtulong mula sa ating Punong Lungsod ay di matatawaran para sa ikakabuti ng mga Meycaueños at sa ikauunlad ng ating lungsod.

#tuloytuloynapaglilingkodparasameycaueños

#BALIKESKWELADAY3